Ang edisyon na ito ay nabuo base sa mas pinalalim na karanasan ng SALIGAN at iba’t-ibang batayang sektor sa pakikilahok sa lokal na pamamahala. Maliban sa mga bagong direktiba sa ilang bahagi ng lokal na pamahalaan, ang mga bagong pahina tungkol sa mga mekanismo sa barangay ay nilalayong magsilbing gabay sa mga kababaihan, kabataan, mangingisda, katutubo, maralitang
tagalunsod, magsasaka, at sa pangkalahatang karapatang pantao.
Ang edisyon na ito ay makakatulong sa pagpapalalim ng kaalaman ng mga grupong nabibilang sa Self Help Group Approach (SHA) na ibinahagi ng Kindernothlife sa mga iba’t-ibang komunidad sa Pilipinas. Ang mga puwang sa pakikilahok sa lokal na pamamahala ang isang paraan para mas mapalawak at magpatuloy ang mga tagumpay ng SHA.