Mga Batas sa Paggamit at Pagmamayari ng Lupa Sa Pilipinas: Isang Manwal

Ang batas ay hindi umiiral sa gitna ng kawalan. Ito ay nakapaloob sa isang sistemang ligal. Higit na mahalaga, ito ay laging may konteksto. Kung sino ang lumilikha ng batas, sino ang nagpapatupad nito at sino ang nagbibigay ng interpretasyon sa mga masalimuot na usapin ay mahalagang maunawaan ng sinuman na nagnanais pag-aralan ang batas. Higit na importante para sa paralegal na malaman ang iba’t-ibang bahagi ng ating pamahalaan at ang mga kapangyarihan nito upang lubos na maisulong ang kanyang adbokasiya.

For copy of this publication, please send an email to saligan@saligan.org.
Share This