Matapos ang matagal na pagpapanday, ikinagagalak ng SALIGAN na ilathala ang ikatlong edisyon ng Manual ng Mangagawang Paralegal. Sinasalamin ng bagong edisyon ang paglalakbay na tinahak at patuloy na tatahakin ng SALIGAN kasama ng mga magigiting na manggagawang Pinay at Pinoy para sa pagbabago ng lipunan.
Itong Manwal na ito ay isang porma ng pasasalamat, pagpupugay. Pasasalamat sa mga dating kasamahan sa SALIGAN na nagtaya sa ganitong uri ng gawain at patuloy pa ring gumagawa ng marka sa lipunan sa ibang paraan; Pagpupugay sa mga manggagawang paralegal na patuloy na nagaaral at nagbabahagi ng kaalaman at kasanayan sa kapwa manggagawa; at Inspirasyon sa mga kasalukuyang miyembro ng SALIGAN na buong pusong itinataguyod ang simulain at adhikain ng SALIGAN.