Ano ang JAHRA?
Ang Just and Humane Resettlement Act (JAHRA) ay isang panukalang batas na sususog sa RA No. 7279 o ang Urban Development and Housing Act of 1992 (UDHA).
Noong 2019, ito ay inihain ni Sen. Risa Hontiveros sa Senado bilang Senate Bill No. 1081. Samantala, inihain naman ito noong 2020 sa House of Representatives ni Rep. Alfred Vargas bilang House Bill No. 6402 at nina Reps. Yul Servo, Edward Vera Perez Maceda, Along Malapitan, Eric Martinez, at Rolando Valeriano bilang House Bill No. 6542. Ang panukala ay nakabatay sa resulta ng mga konsultasyong isinagawa kasama ang mga maralitang tagalungsod, mga bata, mga lokal na pamahalaan, mga ahensya ng gobyerno, at mga civil society organizations sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Tacloban City, at Davao City. Nilalayon ng panukala na protektahan ang karapatan ng bawat tao sa tahanan at sa sapat na tirahan.